Theme Support

Wednesday, December 14, 2016

Filipino LET Review Questions

,
1. “Magtatrabaho ako at ikaw ay mag-aaral upang makatapos ka ng pag-aaral.” Anong uri ng pangungusap ito?
a. Payak
b. Tambalan
c. Hugnayan
d. Langkapan
Answer: D

2. Mag-aalas-singko na _____ umaga _____ magising siya.
a. ng – ng
b. nang – nang
c. ng – nang
d. nang – kapag
Answer: C

3 Ang butong tinangay ng aso, walang pagsalang nalawayan ito. Ang kaisipang ito ay tumutukoy sa katotohanan ng ______.
a. Pagnanakaw
b. Pagtatanan
c. Pagpapakasal
d. Pakikipagkaibigan
Answer: B

4. Anong uri ng pagbigkas ang salitang “dambuhala”?
a. Malumi
b. Mabilis
c. Maragsa
d. Malumay
Answer: A

5. Ang katawagan sa pangngalan, pang-abay, pang-uri at pandiwa ay?
a. Palabuuan
b. Pangkayarian
c. Pangnilalaman
d. Palaugnayan
Answer: C

6. Pinakamahalagang nobelang Pilipino sa maraming taon na nalimbag noong 1906 at tumalakay nang masinsinan sa paksang puhunan laban paggawa at sa sosyalismo ang _____.
a. Luha ng Buwaya
b. Banaag at Sikat
c. Ibong Mandaragit
d. Pangginggera
Answer: B

7. Ayon kay Balagtas, “ang laki sa layaw, karaniwa’y hubad” kaya ang mga bata ay
a. jeproks
b. nag-aartista
c. nakapagtatapos sa pag-aaral
d. hindi sumusunod sa magulang
Answer: D

8. Noong taong 1962, ano ang pagbabago sa paglimbag ng diploma at sertipiko ng pagtatapos?
a. Pinahihintutan ang pribadong paaralan na maglimbag sa wikang Ingles
b. Nilimbag sa Tagalog ang diploma sa di-Tagalog na bayan
c. Nilimbag sa Filipino ang diploma ngunit may Ingles
d. Nalimbag sa Filipino ang diploma
Answer: D

9. Ang gintong panahon ng mga manunulat noong panahon ng Amerikano ay batid sa uring
a. Sanaysay
b. Nobela
c. Panulaan
d. Maikling kwento
Answer: D

10. Alin sa mga sumusunod ang may wastong gamit ng tinig ng pandiwa?
a. Ang hinog na papaya na kinuha sa puno ni Marie.
b. Kinuha ni Marie ang hinog na papaya sa puno.
c. Kinuha sa puno ang hinog na papaya ni Marie.
d. Papayang hinog ang kinuha sa puno ni Marie.
Answer: B
- See more at: http://www.prcboard.com/2016/08/LET-Reviewer-General-Education-GenEd-Filipino-Part-1.html#sthash.UR0LFr6b.dpuf

No comments :

Post a Comment